-- Advertisements --

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit ang tatlong alien individual na wanted sa mga krimen sa Japan.

Kinilala ng BI fugitive search unit ang mga suspect na sina Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at Suzuki Seiji, 29 na naaresto

Iniulat ng BI fugitive search unit na si Rendel Ryan Sy ang pagkakaaresto sa unang tatlong suspek na kinilalang sina Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at Suzuki Seiji, 29 sa loob ng isang subdivision sa ParaƱaque City.

Ang tatlo ay inaresto alinsunod sa isang mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Japanese government tungkol sa kanilang mga krimen.

Batay sa record, mayroon silang natitirang warrant of arrest mula noong Mayo 2024 na inisyu ng Omiya Summary Court para sa Fraud in Violation of the Japanese Penal Code.

Mahaharap naman ang apat sa deportation charges .