KORONADAL CITY – Hindi lamang ang apat na kaso ng Covid-19 Delta Variant ang naitala sa lalawigan ng South Cotabato ngunit natuklasan din ang apat na kaso ng Alpha variant at isang kaso ng Beta variant.
Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Provincial Officer at IPHO Chief Dr. Rogelio Aturdido.
Ayon kay Aturdido sa nasabing mga kaso isang Delta at isang Alpha ang naitala sa lungsod ng Koronadal City; isang Delta at 2 Beta sa bayan ng Surallah; isang Alpha at isang Delta sa bayan ng Tupi; isang Alpha at isang Delta sa bayan ng Banga at isang Alpha sa bayan ng Polomolok.
Kung maaalala, ang Alpha (B.1.1.7) ang unang na-detect sa United Kingdom, Beta (B.1.351) sa South Africa habang ang Delta (B.1.617.2) ay unang naitala sa bansang India na napakabilis kumalat at nagdulot ng napakaraming binawian ng buhay.
Kaugnay nito, ipinagdiinan ni Aturdido na ipapatupad na sangayon ang ang paghihigpit sa contact tracing sa probinsya kung saan hanggang sa 3rd generation contacts na ang kasalukuyang minomonitor.
Sa ngayon, aalamin pa ng mga ito kung maituturing nang may local o community transmission sa lalawigan.