-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling ang apat na manggagawa matapos na maaktuhang nagsusugal ng “posoy-dos” sa Sitio Angol, Barangay Manoc-manoc, Boracay.

Kinilala ng Boracay PNP ang apat na sina Ricky Inventado, 51, residente ng Brgy. Mantiguib, Makato; Jhon Absalon, 35, ng Brgy. Poblacion, Malay; Charnie Parojinog, 39, taga-Brgy. Aquino, Ibajay at Jeffrey Besa, 34, ng Lipa, Batangas.

Sila ay nagtatrabaho lamang sa nasabing isla kung saan matapos na makatanggap ng report ang mga awtoridad na may nagsusugal sa nasabing lugar ay kaagad silang nagkasa ng operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek.

Narekober sa kanilang posisyon at kontrol ang isang unit ng baraha at P650 na halaga ng pera na ginamit bilang taya.

Ang apat ay kasalukuyang nakakulong sa Boracay Police Station para sa kaukulang disposisyon.