Kinumpirma ng mga otoridad sa India na kasama sa apat na militanteng napatay nila sa isang engkwentro sa Kashmir ay dating mga pulis.
Nabatid ng mga otoridad na sinubukan umanong tumakas ng dalawang pulis mula sa Kashmir upang sumali sa mas gyera na nagaganap sa nasabing lugar.
Nangyari ang bakbakan ng dalawang kampo sa Pulwana district kung saan mas lalong hinigpitan ng gobyerno sa India ang seguridad sa nasabing lugar matapos ang naganap na suicide attack kung saan 40 na paramilitary police ang namatay.
Nahahati ang Kashmir sa India at PakistaN na matagal nang may nagaganap na gyera sa mabundok na bahagi ng rehiyon.
Pinaniniwalaan din ng mga otoridad na ang mga militante na kanilang napatay ay myembro ng Jaish-e-Mohammed (JeM), isang pakista-based group na umakong responsable sa naganap na suicide attack.
Una nang itinanggi ng Pakista na nagbibigay umano sala ng materyal na suporta sa mga militante sa Kashmir dahila ng tanging ipinapaabot lang daw ng bansa ay moral at diplomatic support.