-- Advertisements --
President Sebastian Piñera
Chile President Sebastian Piñera/ IG post

Kinansela ni Chilean President Sebastian Piñera ang hosting ng United Nations climate change conference dahil sa patuloy na kilos protesta.

Ayon sa nabangit na pangulo na masakit man sa kaniya ang desisyon ay kailangan na iprioridad ng kaniyang gobyerno ang panunumbalik ng kapayapaan sa kanyang bansa.

Ang nasabing UN climate change conference o kilalang COP25 ay gaganapin sana sa Disyembre.

Kasabay din nito kinansela ng gobyerno ni Piñera ang hosting ng Apec summit na gaganapin sa susunod na buwan.

Nakatakda sanang magpulong sa Apec summit sina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping sa Asia-Pacific Economic Cooperation sa darating na November 15-17.