-- Advertisements --
Nanawagan ang mga miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ng free-open, non-discriminatory and predictable trade and investment para makabangon ang ekonomiya mula sa coronavirus pandemic.
Ito ang napagkasunduan ang 21 APEC member countries sa virtual forum na isinagawa kung saan ang host ay ang bansang Malaysia.
Napagkasunduan din ng grupo na ang nasabing panuntunan ay sumasailalim sa rules ng World Trade Organization o WTO.
Dinaluhan nina US President Donald Trump, Pangulong Rodrigo Duterte , Chinese President Xi Jinping ang virtual APEC leader summit.