-- Advertisements --
Isasagawa sa Malaysia ang taunang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Gagawin itong virtually sa Nobyembre 20 dahi sa coronavirus pandemic.
Unang napagplanuhan ang in-person na meeting ng 21-member economies sa Nobyembre `12 at ito ay ipinagpaliban.
Pangungunahan ito ni Prime Minister Muhyddin Yassin.
Dito ay inlulunsad ang post-2020 vision for the Asia-Pacific region.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nakansela ang summit dahil sa kaguluhan sa Chile ang host country.
Ang APEC ay binubuo ng mga bansang Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hong Kong , Indonesia, Japan, Malaysia, South Korea, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, Singapore,Taiwan, Thailand, US at Vietnam.