-- Advertisements --
Pinigil ng mga aviation police ng Ninoy Aquino Terminal 2 si APEC party list Representative Sergio Dagooc dahil sa ‘bomb joke’.
Nangyari ang insidente ng lumagpas sa 11 kilos ang handcarry ni Dagooc at ng sitahin ay nagbiro ito na may laman na bomba ang bag nito.
Dahil dito ay bahagyang pinigil ang mambabatas dahil sa paglabag ng anti-bomb joke law.
Pinayagan namang makalaya naman ito matapos na kausapin ng abogado nito ang ilang opisyal ng paliparan at sinabing ang mga mambabatas ay ligtas sa anumang kaso na mayroong lamang anim na taon pababa na pagkakakulong ang parusa.