Pumalo na sa 2.2 milyong pamilya ang apektado nang naiwang mga pinsala na dulot ng mga bagyong Kristine at Leon.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang kabuuang bilang ng mga apektadong pamilya sa mga nasalantang lugar lalo na sa Bicol Region ay may bilang na 2,200,731 na siyang katumbas naman ng 8,630,663 na mga indibidwal sa halos 12,053 na mga barangay.
Samantala umabot naman sa kabuuang bilang na 227,133 mga indibidwal o halos katumbas ng 56,396 na mga pamilya ang pansamantalang nanuluyan sa 1,467 mga evacuation centers.
Sa mga imprastraktura naman, naapektuhan ang mahigit 858 na mga daanan at 110 na mga tulay ang nasira.
Sa ngayon, passable na ang 703 na mga pangunahing daan at 92 na mga tulay.