-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umabot na sa 21,467 pamilya na karamihan galing sa Surigao Del Sur at Agusan Del Sur ang apektado sa iilang araw na pag-ulan na hatid sa Low pressure area o LPA.

Sa nasabing bilang ay 2,118 pamilya ang nasa iba’t ibang evacuation centers.

Ayon kay Mark Davey Reyes, Spokesperson ng Department of Social Wefare and Development o DSWD-Caraga na patuloy ngayon ang ginawang pakikipag-ugnayan sa ahensiya sa mga lokal na pamahalaan upang makuha ang mga reports at matukoy kung kakailanganin naba ang augmentation support sa usaping family food packs.

Ngunit nilinaw ng opisyal na may available na family food packs na kaagad na magagamit kung mag-request na ang mga LGUs.

Katunayan nito, sa nakaraang araw ay nakahatid na sila ng tulong sa taga- BUnawan, Agusan Del Sur kungsaan umabot sa 7,832 Family Food Packs ang naibigay.

Patuloy rin ang ginawang damage assesment dahil sa pag-ulan kungsaan napinsala na ang 7 bahay sa bayan ng Bunawan kungsaan tatlo nito ay totally damaged habang 4 naman ang partially damaged.