Inamin ng MalacaƱang na walang aasahang tulong o intervention mula sa gobyerno ang mga manggagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naapektuhan sa pagsuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng lotto, STL, KENO, Peryahan ng Bayan at iba pang gaming schemes ng PCSO dahil sa korupsyon.
Magugunitang sa pagtaya ng PCSO, nasa mahigit 300,000 ang manggagawa sa STL habang nasa mahigit 60,000 naman sa mga lotto outlets sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, “hindi pa naman siguro maghihirap ngayon ang mga nagpapataya ng lotto, KENO, Peryahan ng Bayan at iba pang gaming operations dahil tiyak na nakaipon sila habang tuloy noon ang operasyon.”
Ayon kay Sec. Panelo, tiyak na makaagapay sa pang-araw araw na pamumuhay ang mga libu-libong empleyado ng PCSO na nawalan ng trabaho.
Kasabay nito, binalaan naman ni Panelo ang mga nagbabalak lilipat sa Jueteng, Masiao at Doble o iligal na sugal dahil baka lalo silang mapasama.