-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Imposible umanong mapagbigyan ang panawagan ng Albay Medical Society na isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lalawigan.
Pahayag ito ni Governor Al Francis Bichara sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi.
Aniya, wala nang mapagkukunan ang lokal na pamahalaan ng pang-ayuda sa mga maapektuhan.
Dahil dito, pinagsisikapang madagdagan ang suplay ng mga COVID-19 vaccines sa Albay.
Hinihintay na lamang umano ang sagot ng national government sa hiling ng gobernador magpadala ng 40,000 doses ng bakuna para sa lalawigan.
Ayon kay Bichara mas kailangan ngayon ang pagbabakuna lalo’t tumataas rin ang tinatamaan ng virus sa Albay.