-- Advertisements --

Nais ni US President Joe Biden na pagbawalan na makabili at paggamit ng assault weapon matapos ang nangyaring pangalawang pamamaril sa bansa sa loob ng isang linggo na ikinamatay ng 10 katao sa estado Colorado.

Ang nasabing krimen ay nagbunsod din ng bagong panawagan na kontrolin na ang paggamit ng matataas na uri ng baril sa nasabing bansa.

Boulder police colorado

Ayon kay Biden, hindi na niya kailangang maghintay pa ng isang minuto upang makagawa ng hakbang bilang tugon sa isang bansa na matagal nang na-trauma sa patayan sa mga paaralan, nightclub, sinehan at iba pang mga pampublikong lugar.

Dahil dito, hinimok niya ang kaniyang mga kasamahan sa US Congress at Senate na kumilos upang ito ay malabanan.

Aniya, hindi ito “partisan issue” kundi isang isyu sa Amerika.

Mailigtas daw ang buhay ng kanilang mamamayan kung kaya’t kailangan nilang kumilos.

“I don’t need to wait another minute, let alone an hour, to take common-sense steps that will save the lives in the future, and to urge my colleagues in the House and Senate to act,” ani Biden. “We can ban assault weapons and high-capacity magazines in this country once again. I got that done when I was a senator. It passed. It was the law for the longest time. And it brought down these mass killings. We should do it again.”