Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang apela nina suspended Bamban, Tarlac Mayor Guo para sa kaniyang anim na buwang suspensyon nang walang bayad.
Ang pagbasura ng Ombudsman sa hirit ni Guo na motion for reconsideration ay bunsod ng mga adminstrative charges laban sa akalde na may kinalaman sa sinasabing kuneksyon niya sa POGO hub sa kaniyang munisipalidad.
Nangangahulugan ito na mananatili pa rin siyang suspendido.
Maliban dito, hindi rin pinagbigyan ang mga mosyon ng iba pang suspended officials ng munisipyo kabilang sina Edwin Ocampo at Adenn Sigua.
Kaugnay ng kinakaharap na reklamo, sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na isinailalim na ng Department of Justice (DOJ) si Mayor Guo sa Immigration Lookout Bulletin Order.
Nangangahulugan ito na imo-monitor na ang mga byaheng Bamban mayor at babantayan din kung sakali mang lalabas ito sa bansa.