-- Advertisements --

Ibinasura ng World Boxing Association (WBA) ang apela ni Sen. Manny Pacquiao na ibalik ang kanyang korona o ang kanyang title status.

pacquiao jab

Kung maalala una nang inalis ng WBA ang pagiging welterweight champion ni Pacman nitong taon at sa halip ay idineklara siyang “Champion in Recess” matapos mabigong madepensahan ang kanyang korona sa loob ng dalawang taon.

Dahil dito ibinigay ng WBA ang welterweight belt sa next in line na si Yordenis Ugas ng Miami, USA.

Kung maalala noong buwan ng Mayo ay naghain ng apela si Pacquiao sa reinstatement ng kanyang korona sa WBA makaraang iansunyo ang Pacquaio-Errol Spence showdown sa Agosto 21 na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

WBA belt pacquiao

Sa kabila ng desisyon ng WBA, wala naman itong epekto sa nalalapit na laban ng Pinoy ring icon at sa halip ang nakataya na lamang at tatangkaing agawin ni Pacquiao ay ang dalawang korona na hawak ni Spence na IBF at WBC welterweight belt.