-- Advertisements --
sen bong go

CAGAYAN DE ORO CITY- Binira ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang apelas ni Vice Pres. Leni Robredo na ihinto ang drug war ng Duterte administration.

Sinabi ni Sen. Go sa Bombo Radyo na walang puwang ang apela ng bise presidente dahil hindi umano nito naranasan ang mabiktima ng mga taong nalolong sa ipinagbabawal na drga.

Ayon sa senador, nararapat lamang na magpapatuloy ang war on drugs ng Philippine National Police (PNP) dahil malaki ang naitulong nito para mailayo ang mga kabataan sa salot na iligal drugs.

Hinikayat rin ni Sen. Go ang mga kabataan na huwag tumukim ng ilegal na druga at isumbong kay Pres. Rodrigo Duterte ang mga tawong nanasangkot rito.

Nauna nang sinabi ni VP Robredo na dapat nang ihinto ang drug war dahil wala umano itong ibinigay na maganda sa ating bansa bagkus marami itong kinitil na mga inosenteng buhay.