-- Advertisements --

Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela na humihiling na ibalik ang naging guilty na hatol laban kay Senator Jose “Jinggoy” Estrada.

Ito ay para sa isang bilang ng kasong direct bribery at dalawang bilang ng kasong indirect bribery.

Batay sa walong pahinang resolusyon ng Sandiganbayan na may petsang November 27, hindi kinatigan ng anti-graft court ang motion for reconsideration na inihain ng prosekusyon.

Ayon sa anti-graft court , hindi maaaring parusahan ang isang indibidwal sa parehong kaso na kung saan ay naresolba na o double jeopardy.

Ibig sabihin , hindi na maaaring maibalik ang kaso laban kay Estrada gayong nadismissed na ang kaso.

Una nang pinawalang sala ng Sandiganbayan si Estrada dahil sa pagkakasangkot nito sa umano’y maling paggamit ng P183 million Priority Development Assistance Fund dahil sa kawalan ng matibay na ibidensya.

Bukod dito ay napawalang sala na rin ang senador para sa kasong plunder ngunit hinatulang guilty sa kasong bribery.