-- Advertisements --

Muling ibinasura ng judge ang apilia ng singer na si Sean “Diddy” Combs na makapagpiyansa ito.

Ito na ang pangatlong beses na tinanggihan ng korte ang nasabing hirit ng kampo ng singer habang hinihintay ang pagdinig sa mga kasong sex trafficking at racketeering conspiracy.

Sinabi ni Judge Arun Subramanian, na ang desisyon ay matapos ang isinagawang pagdinig noong nakaraang linggo kung saan kaniyang dinaluhan ito para makahanap ng mga potensiyal na options at pagkuwestiyon sa alegasyon ng prosecutors.

Nakasaad pa sa desisyon ng huwis na malinaw na nakita ng korte at sila ay nakumbinsi na walang kondisyon o kumbinasyon ng kondisyon na matitiyak ang kaligtasan ng komunidad.