-- Advertisements --

Leave your RANK and TITLE outside and forget your position in another organization. To become an Eagle you must learn how to become an egg and be our Ate and Kuya after Your 5i’s process.

Yan ang mga salitang dapat isipin ayon kay Club President Kuya Mar De Guzman ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club

Muli na naman sumabak sa Initiation process na nasa ilalim ng tinaawag 5i’s ang mga gustong sumali sa The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles, Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club dito sa Hong Kong ang humigit kumulang 15 Aplikante kahapon October 8, 2023 sa Central District ng Hong Kong.

387482999 354470823805947 621112833190169215 n

Ayon kay Club President Mar De Guzman ng North Luzon Executive Eagles Club NCR X ay lalong dumadami ang mga nakikilahok lalo na ang mga babae na tatawagin nilang Lady Eagles Club dahil unti unti na nilang nakikila ang Organisasyon dahil sa pamamagitan ng Introduction na ginagawa nito sa Social Media at FB Page ay nakikita ng mga tao kung sino-sino ang mga membro at kung ano talaga ang adhikain ng Philippine Eagles sa ating Bansa at sa ibang Bansa pa kung saan ay madami na din mga membro. At ito ay ang PAGTULONG SA KAPWA TAO sa pamamagitan ng PINALAKAS NA KAPATIRAN. (SERVICE THOUGH STRONG BROTHERHOOD)

Kahapon ay pinatunayan nila muli na kahit sa kasagsagan ng Bagyo na nasa Signal No. 3 na at maulan at mahangin ay naipakita nila ang PAGKAKAISA AT MALASAKIT na magpulot ng mga basura sa Central Area ng Hong Kong kung saan nagdadaos ng mga holiday ang ating mga kababayang OFW. Pinapanatili nila ang walang iwanan at pag aalalayan sa bawat isa sa pamamagitan ng ALALAYANG AGILA.

Muli silang pina alalahan ni Kuya Mar De Guzman na ang pagiging isang tunay na Agila sa Hong Kong ay hindi nagtatangi ng mga tao basta nasa puso nito ang pagtulong sa Dios, sa Kapwa at sa Bayan.

Bombo Report News
Marlon Pantat De Guzman
Bombo International Correspondent-HONG KONG
TFOE-PE Inc.