Mahigit 1,000 na ang aplikante na nais maging miyembro ng PNP sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon kay PRO-ARMM Spokesperson PSInsp. Jemar Delos Santos, na isang positibong balita na marami sa ARMM ang nais na maging miyembro ng PNP.
Sinabi ni Delos Santos ang nasabing bilang ay mula sa online applications at kasalukuyang nag-aasikaso ng kanilang application requirements.
Nasa 500 ang quota ng PNP ARMM sa Public Safety Forces at 100 naman para sa Attrition quota.
Nasa kabuuang 600 na mga bagong pulis ang kailangan ng pamunuan ng PRO-ARMM.
Ayon naman kay ARMM Regional police director, PCSupt. Graciano Mijares, ang mahigit 1,000 applicants na kanilang natanggap ay patunay na marami na sa ating mga kababayan ang nais maglingkod sa bayan bilang isang alagad ng batas.
Tiniyak naman ng Regional Human Resource and Development Division ng PRO ARMM magiging patas sila sa mga aplikante at sisiguraduhin na magiging tama ang kanilang recruitment and selection process.