Sinimulan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang pagharang sa aplikasyon ng mga bagong offshore gambling hubs, bilang tugon sa crackdown ng gobyerno kontra illegal gambling sites.
Sa isang panayam sinabi ni Pagcor chairperson Andrea Domingo, nakatakda nilang suriin ang concerns sa pagtatayo ng bagong gaming hubs na tila nabigo nilang silipin noon.
Mas magiging maingat na raw ang ahensya sa pag-apruba para matiyak na walang makakalusot na illegal gaming establishment.
Kamakailan nang aminin ng Chinese Embassy sa Pilipinas na maraming Chinese workers ang iligal umanong nakakapagtrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Iligal din daw ang ano mang uri ng sugal sa kanilang bansa.
Batay sa datos ng gobyerno, higit 130,000 ang populasyon ng Chinese workers sa mga POGO.