-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inanunsyo ngayon ng DSWD Region XI na kasalukuyan ay suspendido muna ang kanilang pagtanggap ng application para sa AICS Educational Assistance sa lahat ng field offices o opisina nito mapa regional office o provinicial sattelite offices man simula ngayong araw , Agosto 31, 2022. I

Ibig sabihin nito ay suspendido rin ang drop box system.

Nilinaw ng ahensya na hindi muna sila tatanggap ng mga papel , dokumento at requirements sa mga drop boxes sa buong rehiyon.

Ito ay dahil sa napakaraming dokumento na ang kanilang natanggap sa buong DSWD Region XI na umabot na ngayon sa 150,000.

Layunin ngayon ng ahensya na mabigyan ng pagkakataon ang lahat , lalo na ang mga nagangailangan, ngunit nais din ng ahensya na masiguro na ligtas ang mga dokumento , walang mawawala , walang masisira , kaya mas mabuting itigil muna ang pagtanggap ng mga dokumento sa pamamagitan ng dropbox.

Napag-alaman na kukumpletohin muna ng DSWD XI ang pagproseso sa mga dokumento na kanilang natanggap.

Humingi din ng pag-unawa ang ahensya mula sa publiko at mas mabuting hintayin muna ang opisyal at karagdagang impormasyon mula sa DSWD Region XI.