CENTRAL MINDANAO-Nagsisimula na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-12) sa pagtanggap ng mga aplikasyon ng OWWA Scholarship Programs para sa mga anak ng OFW mula sa Kidapawan City at sa mga nasasaklaw nito.
Mapalad ang mga mag-aaral na anak ng mga Overseas Filipino Workers at kapatid ng mga single OFWs na papasok bilang 1st year college o freshmen ngayong School Year 2023-2024 dahil sa naturang inilahad na scholarship program.
Dalawang scholarships ang inilaan para sa mga aplikante at ito ay ang Education fotr Development Scholarship Program o EDSP at Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP), ayon kay Aida Labina, ang Public OFW Desk Officer o PODO ng Kidapawan City.
Ang tanggapan ng OWWA na ang pipili kung saang programa angkop o dapat maipasok ang makakapasang aplikante.
Maaaring magpadala lamang ng kanilang application ang mga incoming freshmen o mag-aaral ng first year sa kolehiyo sa website na https://scholarship.owwa.gov.ph/.
Pinaalalahan rin ang lahat na ang deadline ng submission of online application ay sa darating na January 32, 2023 at ang examination ay gagawin sa March 11-12, 2023.
Kaya iniimbitahan ang mga aplikante na bumisita sa Public OFW Desk Office o PODO na nasa 3rd Floor ng City Hall of Kidapawan para sa karagdagang impormasyon na nais nilang malaman at sagot sa iba pang mga katanungan.