Maaari ng iproseso online ang aplikasyon ng national at regional solicitation permits.
Ang Solicitation permit ay isang certification na inisyu ng mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government na nagpapahintulot sa mga indibidwal, grupo at iba pang entities na mangalap ng donasyon o boluntryong kontribusyon para sa public welfare purposes para maiwasan ang illegal fund.
Sa ilalim ng DSWD Memorandum Circular (MC) No. 5 series of 2021,pinapayagan na ang aplikasyon ng solicitation permits sa pamamagitan ng official email addresses ng DSWD Central at Field Offices o sa pamamagitan ng email o courier.
Tatanggapin pa rin ang mga walk-in o physical submission ng complete application ng mga dokumento.
Mayroong maximum validity period ng hanggang tatlong buwan para sa regional permit at hanggang anim na buwan naman para sa national permit.
Nakasaad sa Presidential Decree No. 1564 of 1978 o angSolicitation Permit Law na awtorisado ang DSWD na magregulate ng solicitation ng donasyon o tumanggap ng kontribusyon para sa pagkakawang-gawa o public welfare purposes.