-- Advertisements --
APO CHEER
APO HONG KONG

Nakibahagi ang Alpha Phi Omega- Hong Kong Alumni Association sa ika-10th anibersaryo ng Center for Harmony and Enhancement of Ethnic Minority Residents (CHEER Centre).

Pinangunahan ni alumni secretary Marivic Rhodora G. Jamero mula sa Aldersgate University, Solano, Nueva Viscaya at Beta Mu Chapter ng APO sa sabay inilunsad ang 1 Easy Call Interpretation Hotline from English to eight other languages gaya ng Tagalog, Bahasa, Indonesia, Vietnamese, Thailand, Nepali, Punjabi, Hindi at Urdu.

May inilaan na booth sa grupo na tinawag na “The World is so Big” na tumulong para sa mga sumali sa palaro.

Bawat mga contestants ay binigyan ng mga larawan at kanilang huhulaan kung saang bansa galing ang nasabing tourist spots.

Bahagi ng nasabing kasiyahan ang serbisyo para sa bayan kung saan ang mga OFW ay pinapanatili ang leadership, friendship at service.