Pinangunahan ng grupong ALPHA PHI OMEGA, International Service Fraternity and Sorority na naka base sa UNITED KINGDOM o Alpha Phi Omega-United Kingdom Alumni Association ang pamimigay ng ilang kaban ng bigas sa mga residente ng Sitio Bacol, Barangay Malabago sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Ang nasabing pamimigay ay pinangunahan ni Jing Parayno-Lising at Myrna Sayson na parehong taga Pangasinan nitong Hulyo 11, 2020.
Ayon kay Bombo International correspondent Mar De Guzman, Ang Service to the Community ay pakiki-isa ng grupong APO-United Kingdom Alumni Association sa nasabing Barangay na kahit wala sila sa Pilipinas ay nagawa nila at naipakita ang kanilang pagmamahal at malasakit sa nagaganap na pandemic sa mga kapwa Pilipino na dala ng Covid19 sa buong mundo.
Suportado ng APO-Pangasinan sa pamumuno ng APO-Alpha Pi Alumni Association (APO-APAA) na naka base sa University of Luzon, Dagupan City, Pangasinan kasama ng kanilang Alumni President na si ATTY. Shay De Guzman na tubong Lingayen Pangasinan at iba pang kasapi mula sa APO~Pangasinan.
Ang APO ay naitatag sa America noong December 16, 1925 at naitatag naman dito sa Pilipinas noong March 2, 1950 at nananatiling matatag sa pribado at pam-publikong serbisyo dahil sa pagtulong sa sangkatauhan. Ang kanilang motto ay LEADERSHIP-FRIENDSHIP-SERVICE. Tobe a Leader, tobe a Friend and be of Service.