-- Advertisements --

Nagpakamatay ang nag-iisang apo ni King of Rock ‘N Roll Elvis Presley na si Benjamin Keough sa edad 27.

Si Benjamin ay anak ni Lisa Marie Presley mula sa musician na si Danny Keough.

Ayon sa manager ni Lisa, labis ang kalungkutan at kumukuha lamang siya ng lakas ng loob sa mga anak nitong 11-anyos na kambal at actress na anak na si Riley.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, nakita nila si Benjamin na may tama ng baril sa ulo na sinsasabing nagpakamatay.

Itinuturing na siya ang kamukha ng pumanaw na lolo nitong si Elvis.

Naging musician ito noong 2009 ng pumirma ng record deal sa halagang $5 million at nagkaroon ng ilang acting credit sa ilalim ng kaniyang pangalan.