-- Advertisements --

Pinipigilan ng apo ng namayapang si Elvis Presley na si Riley Keough ang pagbebenta ng Graceland ang bahay ng singer sa Memphis, Tennessee.

Ang nasabing mansion at ibang mga ari-arian ay minana ng actress mula sa ina nitong si Lisa Marie Presley ang anak ni Elvis Presley na namayapa noong nakaraang taon.

Nasa kontrobersiya ngayon ang nasabing mansion mula sa isang kompanya dahil ginamit ito bilang collateral sa $3.8 milyon na utang ni Lisa Marie pero hindi na binayaran pa.

Giit naman ni Keough na ang mga pirma sa dokumento ay pineke.

Dahil dito ay naghain ang 34-anyos na actress sa korte para pigilan ang nasabing planong auction.

Isasagawa ang pagdinig sa susunod na linggo.

Taong 1957 ng mabili ni Elvis ang Graceland Mansion kung saan doon siya nanirahan ng mahigit dalawang dekada hanggang sa pagpanaw nito.

Noong 1980 ay binuksan sa publiko ang 14-acre compound at ginawang music history theme park kung saan kada taon ay humahakot ito ng mahigit 600,000 na mga katao.