-- Advertisements --
APO
APO

Matagumpay ang isinagawang feeding program at pagbibigay ng mga school supplies ng grupong Alpha Phi Omega national Philippines Incorporated at Alpha Pi Alumni Association.

Katuwang ng grupo ang Department of Public Works and Highway (DPWH) Engineering Office IV bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng National Nutrition Month.

Isinagawa ang feeding program sa Talibaew Elementary School sa bayan ng Calasiao sa pamumuno ng kanilang principal Eufemia M. De Vera nitong Hulyo 25, 2019.

Pinangunahan ni APO-Alpha Pi Alumni President Atty. Andrew Fernandez at District Engineer ng DPWH District Engineer Simplicio Gonzales ang pagbibigay ng mga masustansiyang pagkain at pagbibigay ng mga school supplies sa may 250 mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ang nasabing programa ay bahagi ng three guiding principle ng APO ito ay Leadership- Friendship- Service mula sa kanilang Scout Oath and Law maintain and objective to render service to humanity.