Personal na nagpasalamat ang apo sa tuhod ni Andres Bonifacio kay Manila Mayor Iskor Moreno dahil sa ginawa nitong paglilinis sa monumento ng bayani na ilang metro lamang ang layo sa city hall.
Inamin ni Susan Meyer na napapaiyak na lamang ito dati sa tuwing napapadaan ito sa napabayaang bantayog ng kanyang lolo.
Pero ngayong nalinis na ni Moreno ang Bonifacio Shrine, wala na raw paglagyan ang kanyang kasiyahan.
Nitong nakaraang buwan nang mag-isyu ng direktiba si Moreno na linisin ang Bonifacio Shrine mula sa mga vendors at sa mga squatters.
Matapos nito ay binisita ng alkalde ang lugar at hindi nito naitago ang kanyang pagkadismaya matapos matuklasang sinalaula at ginawa pang kubeta ang monumento ng bayani ng bansa.
Maaalalang sa kasagsagan ng pag-inspeksyon ni Moreno sa lugar ay nakatapak din ito ng dumi ng tao.
Agad namang iniutos ni Mayor Isko sa Department of Public Safety ng siyudad ang paglilinis, pagpintura at pag-disinfect para ibalik ang ganda nito at maging parke at pasyalan muli ng taumbayan.
Inatasan din ng alkalde ang Manila Police District na bantayan ang lugar at arestuhin ang mga tumatambay sa gabi tulad ng mga solvent boys.