-- Advertisements --

Kabilang na nakatanggap ng Presidential Medal of Merit ang pinakamatandang traditional Kalinga tattoist na si Apo Maria Whang Od Oggay.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbibigay ng pagkilala kay Apo Whang Od sa Palasyo ng MalacaƱang nitong Miyerkules.

Sinabi ng Pangulo na hindi mapapantayan ang naging kontribusyon sa kultura ng 106-anyos na mambabatok.

Dahil aniya sa kaniya ay nakilala ang bansa kaya mararapat na mabigyan ito ng pagkilala.

Itinuturing pa ng Pangulo na isang national treasure si Whang-Od.

Magugunitang noong 2018 ay nabigyan na si Whang-Od ng National Commission for Culture and Arts.