Pumanaw na ang American astronaut na si Michael Collins sa edad 90.
Ayon sa pamilya nito na ilang taon din na nakipaglaban si Collins sa cancer.
Kabilang si Collins sa crew ng Apollo 11 command module kung saan ang mga kasamahan nito ay unang tao na nakayapak sa buwan noong July 20, 1969.
Isinilang sa Rome noong 1930 at naging fighter pilot ng US kung saan nagretiro sa ranggong Major General.
Nakilala siya sa pagiging bahagi ng kasaysayan ng ang kasamahan nitong sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ang naging unang tao na nakatapak sa buwan.
Mula noon ay hindi na bumalik pa sa kalawakan si Collins at naging diplomat bilang assistant secretary of state for public affairs sa kasagsagan ng Vietnam war bago naging unang director ng National Air and Space Museum sa Washington.