-- Advertisements --

Hahayaan muna ni Tom Hanks na maunang maturukan ng bakuna para sa Coronavirus Disease (COVID) ang mga mas nangangailangan.

Pahayag ito ng 64-year-old veteran American actor/filmmaker, siyam na buwan mula nang tamaan at makarekober sila ng kanyang misis sa COVID-19

Ayon kay Hanks, looking forward din naman sila sa COVID vaccine at handa ring isapubliko pero papaunahin na ‘yaong mga may mahihinang pangangatawan.

Sa ngayon aniya ay nagsusuot pa rin sila ng face mask ng misis para sa vice versa protection sa mga makakasalamuha nila.

“Well, we’ll be getting it long after everybody who truly needs to get it. We had it (COVID-19), it was a tough couple of ten days, but I think what was much more important (in) the second half of the COVID-19 formula is that we didn’t give it to anybody.”

Nabatid na nasa Australia sila ng kanyang misis nang biglang makaramdam ng sobrang pagod hanggang sa magkaroon na ng sipon, sumakit ang katawan, nagkalagnat hanggang sa magpositibo sa deadly virus.

Ito’y sa kasagsagan ng pre-production ng biopic para sa “King of Rock and Roll” na si Elvis Presley kung saan siya ay gaganap bilang longtime manager na si Colonel Tom Parker.

Ilan lamang sa napakaraming hit movies ni Hanks ay ang “Splash” (1984), “Apollo 13” (1995), “Cast Away” (2000), “Saving Mr. Banks” (2013), at siya rin ang boses sa likod ng karakter ni Sheriff Woody sa film series na “Toy Story.” (OMG)