Pumanaw na si Apollo astronaut na si Frank Borman sa edad na 95.
Ayon sa NASA na nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa Billings, Montana dahil sa natural na sakit nito.
Si Borman ang siyang nagmando Apollo 8 mission para sa kanilang unang mission sa orbit ng buwan.
Bukod sa pagiging commander ng Apollo 8 ay naging beterano ito sa Gemini 7 na nanatili ng 14 na araw sa low-Earth orbit at nagsagawa ng unang rendezvous sa kalawakan ng hindi kalayuan ng Gemini 6 spacecraft.
Noong 1967 ay naging miyembro siya ng Apollo 204 review board na nag-imbestiga sa pagkasawi ng tatlong astronauts sa Apollo 1.
Ang kaniyang kamatayan ay ilang linggo matapos ang pagkamatay din ng Apollo astronaut na si Thomas Mattingly II noong Oktubre 31 sa edad na 87.