Ikinalugod ni Senadora Risa Hontiveros ang pagkakaaresto ng mga otoridad sa puganteng si Apollo Quiboloy.
Ayon kay Hontiveros, na siyang pangunahing nag-iimbestiga sa Senado sa mga kasong paglabag sa karapatang pantao ni Quiboloy, bilang na ang kanyang mga araw na naghahari-harian, nambabastos sa batas, nang-aabuso sa kababaihan, kabataan, at kapwa nating Pilipino.
Hindi aniya matatakbuhan ni Quiboloy ang batas at hindi nito maaantala ang hustiya para sa mga inabuso nito.
Pinasalamatan ni Hontiveros ang mga victim-survivors na matapang na nagsabi ng katotohanan sa pagdinig kung saan aniya abot kamay na nila ang hustisya ngayon.
Sinaladuhan din ng mambabatas ang mga law enforcement agencies sa kanilang dedikasyon sa kabila ng ipinamalas ni Quiboloy na mga taktika.
Ngayong naaresto na si Quiboloy, magpapatuloy aniya ang imbestigasyon ng Senado para matuldukan na ang sistematikong pang-aabuso nito sa mga pinakabulnerable sa lipunan.