Nakatakdang humarap si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy sa dalawang magkahiwalay na arraignment o pagbasa ng sakdal sa araw ng Biyernes, Setyembre-13.
Kapwa naglabas ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 at Quezon City RTC Branch 106 ng magkahiwalay na order na nag-aatas sa Philippine National Police (PNP) na dalhin si Quiboloy at mga kapwa akusado sa korte sa parehong oras at parehong araw.
Sa Pasig RTC nasampahan si Quiboloy ng qualified trafficking in persons o paglabag sa Republic Act (RA) 9208, kilala bilang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Sa Quezon City RTC, nahaharap siya sa kasong child abuse o paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang kaso ni Quiboloy sa QC RTC ay ang dating kasong inihain laban sa kanya sa Davao City RTC ngunit ipinalipat ng Supreme Court kasunod ng apela ng DOJ.
Ito ang unang pagkakataon na ang ‘self appointed son of God’ ay babasahan ng sakdal sa dalawang magkahiwalay na korte, kasunod na rin tuluyan niyang paglutang.