NAGA CITY – Makaraan ang ilang araw na tila pag lie-low ng mga protesters sa Hong Kong muli ang mga itong magtipon-tipon kaninang hapon para muling mag martsa sa central area ng bansa.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Rueda Sadiosa, sinabi nito na kahit ilang beses ng humingi ng paumanhin si Chief Executive Carrie Lam hindi umano ito tinatanggap ng mga tao dahil sa kawalan ng sinseridad.
Ayon kay Sadiosa, hindi umano tulad sa Japan na tila nagpapakumbaba pa ang mga lider sakaling nakikiusap sa mga mamayan tulad na lamang ng pag vow.
Kaya tulad ng inumpisahan ng mga protesters muli aniya ang mga itong mag martsa para hingin pa rin ang tuluyang pagbasura sa extradition bill kasama na ang ilan pang batas tulad ng national anthem bill na laman ang kautusan ng pagkilala sa pambansang awit ng mainland China.
Liban dito, nais rin ng mga protesters na palayain ng gobyerno ang kanilang mga kasamahan na hinuli ng mga otoridad gayundin ang pagpapagamot sa mga nasugatan sa nasabing aktibidad.
Alas-2 ng hapon muli umanong sisimulan ang pag martsa ng milyong-milyong nagpo-protesta sa Hong Kong.