-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Kinumpirma ng Diocese of Kalibo na ang mga leader ng Philippine Catholic Church kabilang ang papal nuncio ay pupunta sa lalawigan ng Aklan para sa plenary assembly sa pangbihirang pagkakataon na gaganapin ito sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay Fr. Tudd Belandres, kora paroko ng St. John the Baptist Cathedral na ang plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay gaganapin sa Marzon Hotel sa Jaime Cardinal Sin Avenue sa bayan ng Kalibo, Aklan mula July 8-10, 2023.

Dagdag pa niya na ang 126th plenary ay ang ikalawang parte ng aktibidad pagkatapos ang kanilang annual retreat mula July 4-6, 2023.

Ang CBCP plenary assembly ay ang twice-a-year meeting na dinadaluhan ng Philippines’ 88 active bishops, 37 retired o resigned prelates at dalawang diocesan priest administrators.

Sesentro ang nasabing asembleya sa pastoral matters kabilang ang agenda sa moral, doctrinal at social issues.

Kaugnay nito, nanawagan ng dasal si Bishop Jose Corazon Talaoc, D.D para sa nasabing mga obispo kung saan, puspusan ang paghahanda ng Diocese of Kalibo para sa tagumpay ng malaking aktibidad.

Pagkatapos ng kanilang plenary assembly ay didiretso ang mga ito sa isla ng Boracay.

Nabatid na ang CBCP plenary assembly ay madalas ginaganap sa Pope Pius XII Catholic Center sa Manila ngunit noong 2019, napagdesisyunan umano ng mga obispo na ibalik sa regional meetings at regional assemblies kung saan, noong 2016 at 2018 ay binali ng CBCP ang tradiyon at ginanap ang plenary assemblies sa Cebu..