Nagbigay aliw sa mga fans ang sorpresang panonood at pakikibahagi ni heavyweight unbeaten champion Tyson Fury sa major show ng WWE na SmackDown sa FOX.
Mistula pang umakma na lalabanan ni Fury, ang lineal heavyweight champion, ang WWE star Braun Strowman matapos ang palitan nila nang pahayag.
Si Fury ay nasa ringside nang unang lumapit sa kanya ang wrestler.
Una rito, nagawang ibalibag ni Strowman ang kalaban na si Dolph Ziggler sa lugar ni Fury.
Hindi ito nagustuhan ng boxer kaya tumalon ito sa barikada at saka naghamon sa wrestler at pomosisyon para makipagboksing.
Dito na kanya-kanya ng pigil ang mga security escorts habang nangingiti sa itaas ng ring si Strowman.
Noon pa mang taong 2017 ay nagpaabot na rin si Fury ng kanyang pagnanais na isunod ang kanyang career sa WWE.