-- Advertisements --
Naibenta auction sa US sa halagang $400,000 o katumbas ng P20-milyon ang original Apple Computer.
Ang nasabing computer ay gawa ni Apple founder Steve Jobs at Steve Wozniak, 45 taon na ang nakakalipas.
Ang Apple -1 ay isa sa 200 units na ginawa nina Jobs at Wozniak.
Isa sa pagiging rare nito ay gawa sa koa wood ang pinaglagyan nito na siang native na kahoy na sa Hawaii matatagpuan.
Ayon sa John Auctioneers na kasama ng nasabing computer ang 1986 Panasonic video monitor.
Ang orihinal aniya na may-ari nito ay isang electronics professor sa Chaffey College sa Rancho Cucamonga, California bago ito ibinenta sa estudyante noong 1977 sa isang estudyante sa halagang $650.