-- Advertisements --

Inanunsyo ng Korte Suprema na magsisimula na ang application para sa 2024 Bar Exams sa January 15, at magtatapos naman sa April 5.

Sinabi ng Supreme Court (SC) na dapat pa rin gumawa ng panibagong application profile ang mga retakers at refreshers sa Bar Applicant Registration System and Tech Assistance.

Malalaman sa naturang online platform ang modes of payment para sa babayarang exam fee na Php12,800.

Dapat din magpasa ng mga aplikante ng printed at signed copies ng application form, kasama ang iba pang mga requirements sa Office of the Bar Confidant. Ang mga soft copy version naman ay ipapasa sa nasabing online registration system.

Pinapaalalahanan din ng SC na dapat maipasa ang mga requirements sa loob ng 10 araw, pagkatanggap ng notice of approval of application ng mga bar exam applicants