-- Advertisements --
Welcome umano sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang appointment ni Sec. Benjamin Diokno bilang bagong governor ng BSP.
Sa isang pahayag, sinabi ni BSP Officer In Charge Cyd Tuano-Amadar na suportado nila si Diokno at kumpiyansa sila kakayahan nito bilang isang lider.
Sinabi ni Amador na beterano na si Diokno sa pamamahala at subok na ito dahil sa mga puwesto na nahawakan nito.
Bukas na ang unang araw ni Diokno sa BSP.
Dadalo agad siya bukas ng umaga sa pagpupulong ng Monetary Board.
Inaasahan daw na pag-uusapan ang mga programa para sa ekonomiya ng bansa.