Malugod na kinumpirma at tinanggap ni DILG Secretary Eduardo Año ang pagkakahirang ng Pangulong Rodrigo Duterte kay PLt. Gen. Dionardo Carlos bilang susunod na PNP Chief.
Si Lt. Gen. Carlos na kasalukuyang The Chief, Directorial Staff ng PNP ang ika-apat na top PNP official, ay pormal na papalit kay outgoing PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa pagreretiro nito sa serbisyo ngayong Sabado.
Sa Biyernes November 12,2021 nakatakda ang turn-over ceremony sa Camp Crame.
Ayon kay Sec. Año, ang desisyon ng Pangulo sa pagpili ng susunod na PNP Chief ay kanyang ibinase sa seniority, merito, track record at reputasyon ng kandidato.
Sinabi ni Año na inaasahan nila ang bagong PNP Chief na mas lalung ipupursige ang kampanya kontra sa ilegal na droga, kriminalidad, at mga teroristang komunista.
Umaasa din aniya ang DILG na ipagpapatuloy ni Lt. Gen. Carlos ang paglilinis sa hanay
ng PNP.
” We expect the new PNP Chief to hit the ground running and intensify efforts to counter illegal drugs, fight criminality, and end the communist armed conflict in the country. We expect that he will set the highest standards for himself and the rest of the PNP organization on their performance and discipline specially on the goal of cleansing the police organization, leaving no room for scalawags,” pahayag ni Sec. Eduardo Año.
Si Lt. Gen. Carlos, na dating nagsilbing tagapagsalita ng PNP sa pamunuan ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald Bato Delarosa nuong kasagsagan ng anti-drug war ng PNP.
Si Carlos ay miyembro ng PMA “Maringal” Class of 1988.
Bukod sa pagiging tagapagsalita ng PNP maituturing din na highly trained police officer lalo na sa police operations gaya ng crisis management and response, urban counter-revolutionary warfare, counter hijacking, explosive ordnance disposal, VIP security and anti-terrorist operations.
Iba’t ibang matataas na posisyon din ang pinamunuan ni Carlos kabilang dito ang kaniyang mga critical assignments sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Kilalang combat officer din si Carlos matapos madestino sa mga NPA infested areas.
Nanguna din ito sa pagsalakay sa mga shabu laboratories nang maitalaga sa
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Anti-Illegal Drug Operations Task Force (AIDSOTF) bilang intelligence operative.
Recipient din ang heneral ng iba’t ibang matataas na parangal, kabilang dito ang ang Metrobank Foundation Incorporated’s 2009 Country’s Outstanding Policemen in Service (COPS) lifetime achievement awardee.
Si Carlos ay tubong Lucena City at ang nanay nito ay taga Guiuan, Eastern Samar.
Siya ang nakakatandang kapatid ni Rear Admiral Alberto Carlos ng Philippine Navy.