Dinepensahan ni Budget Sec. Benjamin Diokno ang pagpili sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa isang press briefing inihayag ni Diokno ang pagtitiyak na hindi mako-kompromiso ang hiwalay na kapangyarihan ng BSP sa pagpapaabot niya ng suporta sa mga hakbang ng gobyerno.
Ito’y sa kabila ng kanyang estado bilang outsider o hindi pagiging opisyal ng Bangko Sentral bago naapunto.
“Our BSP is supposed to be independent, but that does not mean it has to be against. It has to understand what the administration is trying to to do. If you have to be supportive, you support but without losing your independence,” ayon sa outgoing Budget chief.
Ibinida ni Diokno ang kanyang matagal na karanasan at kaalaman sa naturang larangan na tiyak umanong hindi basta mabibigyang pansin ng ilang BSP officials.
“I know how government works. I know where we want to go. I’m familiar with the program of the government,” ani Diokno.
Nilinaw din nito na hindi inalok sa kanya ng pangulo ang pwesto dahil si Finance Sec. Carlos Dominguez III daw ang responsable sa pagre-rekomenda ng mga posibleng pumalit sa pwesto ng yumaong si BSP Gov. Nestor Espenilla.
“I know exactly what’s going on. That cannot be said of other BSP governors; I don’t buy that concept as if the central bank governorship is the prerogative of those from the inside.”
Sa huli, siniguro ng kalihim na ipagpapatuloy ng DBM ang kanyang mga nasimulang programa gaya ng reporma sa procurement at cash-based budget system.