-- Advertisements --

Kinumpirma na ng makapangyarihang bicameral Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointments nila Armed Forces chief of staff General Noel Clement.

Walang kahit isang CA member na tumutol sa kumpirmasyon ni Clement.

Ang bagong AFP chief ay naitalaga noong Setyembre, habang magreretiro naman siya sa Enero 5, 2020.

Maliban dito, lusot na rin sa CA si Navy Vice Admiral Allan Cusi.

Si Cusi ay namumuno sa Philippine Military Academy (PMA) bilang kapalit ng nagbitiw na si Lieutenant General Ronnie Evangelista.