-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakatalaga kay retired AFP chief Eduardo Año bilang acting DILG secretary.

Binati ng kalihim si Año sa kaniyang bagong trabaho.

Naniniwala si Lorenzana na magtatagumpay si Año sa pagiging pinuno ng Department of Interior and Local Goverment (DILG) dahil narin sa dedikasyon at propesyunal nito sa kaniyang trababo at ang taglay na experience sa military.

Tiniyak din ni Lorenzana na magiging excellent ang working relationship ng DND at DILG ngayong si Año na ang kalihim.

” I congratulate, Ed Año on his designation as OIC DILG. I am sure that with his dedication to duty, professionalism and experience in the military he will succeed as the head of DILG.
He and I am sure we will have an excellent working relationship,” mensahe ni Lorenzana.
Binigyang-diin pa ni Lorenzana na mas mainam sana kung full time secretary na si Año pero hindi ito pinapayagan ng batas hanggang sa matapos ang isang taon matapos itong magretiro sa serbisyo.

Inanunsiyong Malakanyang na itinalaga si Año bilang OIC secretary ng DILG habang si Undersecretary Catalino Cuy ay itinalaga bilang Dangerous Drug Board Chairman kapalit sa sinibak na si Dionisio Santiago.

Sa kabilang dako nagpasalamat naman si Año kay Pangulong Rodrigo Duterter sa tiwala na ibinigay sa kaniya para pamunuan ang DILG.