-- Advertisements --

Kinumpirma na ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Sec. Amenah Pangandaman bilang Department of Budget and Management (DBM).

Si Pangandaman ay kabilang sa mga cabinet secretaries na kinumpirma ng CA sa kanilang pagdinig ngayong araw.

Kabilang din dito sina Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, kasama ang 23 foreign affairs officials.

Matapos ang kanilang kumpirmasyon sa committee level, isasalang na sila sa plenaryo para sa pinal na kumpirmasyon ng kanilang ad interim appointment.