-- Advertisements --
ca on albano

Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang appointment ni dating Deputy Speaker Mylene Garcia-Albano bilang bagong ambassador ng Pilipinas sa Japan.

Si Garcia-Albano na isang beteranang abugada at dating mambabatas ang kauna-unahang babaeng ambassador ng Pilipinas sa Japan.

Bago ang kanyang confirmation, humarap si Garcia-Albano sa Committee on Foreign Affairs at nangakong gawing prayoridad ang food security, energy, health, education, trade and investments at tourism sa loob ng kanyang panunungkulan.

Tiniyak din nito na aktibo itong magtatrabaho para protektahan ang 300,000 Filipinos sa Japan.

“I will show them what women can do, especially the first woman ambassador to represent our country to Japan,” ani Garcia-Albano.

Sa plenary session, kinumpirma din ng CA ang nominasyon nina Department of Foreign Affairs (DFA) officers Voltaire Dela Cruz Mauricio bilang Chief of Mission Class II at Val Simon Taganas Roque bilang Career Minister.