-- Advertisements --

Nanindigan ang isang lider sa Kamara na kailangang dumaan sa approval ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga ng pangulo kay Budget Sec. Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Iginiit ni House Minority leader Danilo Suarez ang nilalaman ng Republic Act 7653 o Central Bank Act kung saan nakasaad umano na kailangang dumaan sa kumpirmasyon ng makapangyarihang CA ang sino mang itatalaga na bagong tagapangasiwa ng tanggapan.

Nilinaw ni Suarez na hindi niya kinukwestyon ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte pero makabubuti umano kung susundin na lamang ang prosesong sinasabi sa batas.

Nauna ng sinabi ng Malacañang na hindi na kailangang dumaan sa CA confirmation ng appointed BSP governors batay sa ilalim ng Article 7, Section 16 ng Saligang Batas.