-- Advertisements --

Welcome sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakatalaga kay NCRPO Chief MGen. Debold Sinas na papalit sa pwesto ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na magreretiro na sa serbisyo bukas,November 10,2020.


Kumpiyansa naman si outgoing PNP Chief Cascolan na epektibo na magampanan at pamahalaan ni incoming PNP Chief Sinas ang PNP.

Ayon kay Cascolan, ipinakita na aniya ni Sinas ang pagiging pinuno nito batay na rin sa kaniyang track record na may iisang patern mula nang maitalaga ito sa iba’t ibang tanggapan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Tiwala si Cascolan kay Sinas na maipagpapatuloy nito ang pinaigting na kampaniya kontra Krimen, Iligal na Droga, Terrorismo at Katiwalian na siyang marching orders sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Binigyang-diin pa ni Cascolan na malaking hamon para kay Sinas na mapanatili ang kumpiyansa at tiwala sa kaniya ni Pangulong Duterte lalo’t nakamit ng PNP ang pagkilala dahil sa lumabas na 2020 Global Law and Order survey ng American analytics Firm na Gallup na nagsasaad na isa na ang Pilipinas sa mga bansang pinakaligtas sa mundo.